-
Tungkol saan ba ang chat na ito?
Kami po ay narito upang sagutin ang anumang mga katanungan tungkol sa Islam. Tungkulin po naming tulungan ang mga taong maunawaan ang kahalagahan at kagandahan ng pananampalataya ng mga Muslim.
-
Sinusubukan mo ba akong gawing Muslim?
Wala sa mga kamay ng sinuman ang pagpapalit ng pananampalataya ng kahit na sino tungo sa iba, magkagayun man, iniibig namin para sa iyong malaman ang tungkol sa relihiyong Islam. Higit naming ikagagalak kung tatanggapin mo ito, dahil ito rin ay relihiyon ni Adan, Moises, Hesus, at ng huling propetang si Muhammad, sumakanilang lahat nawa ang kapayapaan.
-
Ano ang kakayahan mo at ikaw ang magpapaliwanag ng Islam?
Ang aming mga kawani, ipinanganak mang Muslim o bangong Muslim, ay sumailalim sa mga pagsasanay at pag-aaral upang magkaroon ng malakas na kaalaman sa Islam. Kasama ang pagmamahal sa gawaing ito at kahusayan sa pakikipagtalastasan, ay makakatulong sa kanila upang maglingkod sa aming mga panauhin ng may pinakamataas na kahusayan.
-
Magkano kayo binabayaran dyan?
Kami ay umaasa at nagdarasal na kami ay nandito,una sa lahat ay, upang makamit ang gantimpala ng Diyos na Makapangyarihan, dahil ginagantimpalaan Niya ang sinuman na nagbabahagi ng katotohanan. Ito ang gawain ng lahat ng mga propeta na nagsasabi sa mga tao: Hindi ako naghahangad mula sa inyo ng anuman. At ipinapalagay namin na ito ang pinakadakilang gantimpala.
-
Paano ako papasok sa Islam?
Ang pagbabalik sa Islam ay madali lamang. Mayroon lamang isang kailangan; ipahayag na walang Diyos na dapat sambahin maliban sa nag-iisang Diyos lamang na walang katambal, at maniwala ka sa lahat ng mga sugo na Kanyang ipinadala sa sangkatauhan kabilang si Adan, Noe, Moises at Hesus, hanggang sa pinakahuling sugong si Muhammad.
Sa oras na ginawa mo ang pagsaksi sa pananampalataya, ikaw ay isa ng ganap na Muslim. Ganun kadali! Bilang gantimpala sa iyong layunin at pagsumpa na susuko at tatalima sa iyong Tagapaglikha, si Allah ay patatawarin ka sa lahat ng iyong mga kasalanan. Katulad ng ikaw ay parang bagong silang pa, at magsisimula sa bagong buhay na malinis ang talaan.
Handa ka na bang tanggapin ang Islam? Sumali sa aming libreng pribadong 'live chat' at makipag-usap sa isa sa maraming magigiliw na mga 'operator' na siyang tutulong sa iyong gawin itong pinakamahalagang hakbang sa iyong buhay.
-
Hindi ako marunong magsalita ng Arabik. Maaari pa ba akong maging Muslim?
Ang katotohanan ay ang karamihang mga Muslim sa buong mundo ay hindi Arabo, mula sa Indonesia ay may mahigit na 200 milyon na Muslim, sa China ay may 23 milyon. Hanggat naniniwala ka na walang ibang Diyos na dapat sambahin maliban kay Allah, at si Muhammad ang huling Sugo ni Allah at bibigkasin mo ito kahit pa sa sarili mong wika, magkagayun ikaw ay ganap ng Muslim.
-
Mayroon bang kalipunan ng mga tao na aalalay sa katulad kong bago lang na yumakap sa Islam?
Maaari kang sumali sa newmuslimacademy.org na dito mo matatagpuan ang napakagandang lugar kasama ng kapwa bagong Muslim at marurunong ng mga guro na mag-aakay sayo ng dahan-dahan sa iyong bagong buhay at magbabahagi ng mga karanasan sa iyo. Ikaw din ay maaaring sumali sa aming grupo sa facebook para sa mga bagong Muslim na dito ka namin masusubaybayan ng mabuti. Pakiusap sumali sa amin ngayun dito sa 'live chat' upang matulungan ka namin na makilala ang mga kapwa Muslim. Ang pinakamahalagang bagay ngayun ay itayo ang limang beses na pagdarasal araw-araw at matutunan ang mga pangunahing bagay sa Islam.
-
Ano ang pinakamainam na mga pagkukunan upang matuto pa sa Islam?
Napakaraming mga impormasyon sa 'online' at sa mga aklat tungkol sa Islam. Subalit higit naming ninanais na makausap ka upang malaman namin kung alin ang higit na nababagay sa'yo na pagkukunan.
-
Paano ako magkakaroon ng kopya ng Qur'an?
Kung ikaw ay di-Muslim at nais na magkaroon ng libreng kopya ng Qur'an ngayun, pakiusap makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng aming 'contact form'.